Kasabay ng Pagdiriwang ng mga Araw ng Puso, ginanap ang isa sa mahalagang sakramento at iyon ang Kasal.
Matagumpay na idinaos ang pagdidiriwang sa pangunguna ni Mayor Strike Revilla kasama ang Local Civil Registration Office sa pamumuno ni Ms. Theresa Camaros, Public Information Office, at buong City Government of Bacoor sa Strike Gymnasium.
Bago gawin ni Mayor Strike Revilla ang seremonya siya’y nagbahagi muna ng kanyang mensahe “Every day, you will discover new things about each other. May mga pagkakataon sigurong susubukin tayo ng panahon, at minsan, aabot pa sa puntong parang gusto niyo nang sumuko. Pero ayon nga din sa isang kasabihan, ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo, na iluluwa kapag napasò. Sa inyong dalawa — giving up should not be the first option. It should NOT even be an option.”
Nagbigay din ng mensahe si City Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola “Maging maayos at maging tapat sa isa’t-isa, tulad nga ng sabe ni Ram, communication is very important. Kapag wala na ang partner niyo, doon niyo nalalaman ang value. Kaya ngayon palang ipakita niyo na ang pagmamahal.”
Samantala, hindi rin nagpahuli si Congresswoman Lani Mercado-Revilla, kung saan binati at hinaranahan ang mga bagong kasal.
Dinaluhan ito ni Board Member Ram Revilla, Liga ng mga Barangay President, Hon. Ramon N. Bautista at Sangguniang Panlungsod na sina Hon. Simplicio Dominguez, Hon. Rogelio M. Nolasco at Hon. Alejandro Gutierrez, na lubos pinaalala na maging sentro ng kanilang pag-ibig ang Poong Maykapal at patuloy na maging tapat sa isa’t – isa.
For more updates about the City Government of Bacoor, please like, follow, subscribe and share our social media networks.
Facebook: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Maraming salamat po.