Nagsagawa ng mahalagang aktibidad ang Office ni Cong. Lani Mercado Revilla at City Government ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ang programa na “Ayuda para sa Kapos Ang kita PROGRAM (AKAP)” sa Strike Gymnasium ngayong araw, August 1, 2024.
Kabilang sa dumalo sa programa si Cong. Lani Mercado Revilla at Board Member Ram Revilla Bautista, kasama ang kabuuang 1,625 na Bacooreño na benepisyaryo na minimum o below wage earners.
Ang AKAP Program ay ipinagmamalaki dahil ito ay isang inisyatiba ng DSWD sa ilalim ng pangunguna nina Speaker Martin Romualdez, Sec. Rex Gatchalian, Presidente Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr., Sen. Bong Revilla, at Cong. Lani Mercado Revilla. Layunin ng AKAP payout na magbigay tulong sa ating mga kababayan na may maliit o kapos na kita.
Sa tulong at suporta ng mga kalahok at organisasyon, patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan para mapaunlad ang kalagayan ng ating mga kababayan. Ang AKAP Program ay patunay na ang pag-aalala at pagmamalasakit sa kapwa ay mahalaga sa pagsugpo ng hamon ng kahirapan.