Bacoor City, Oktubre 25, 2024 – Ang Office of Congresswoman Lani Mercado Revilla, sa pakikipagtulungan ng City Government of Bacoor at Team Revilla, ay nagsagawa ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng AKAP (Ayuda sa Kapos Ang Kita) Program. Ang programa ay naglalayong tulungan ang mga minimum earner sa Bacoor na makakuha ng medical assistance, burial assistance, food assistance, at cash assistance.
Naganap ang pamamahagi sa 2nd Floor ng Main Square Mall, at dinaluhan nina Cong. Lani Mercado Revilla, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Ms. Samantha Panlilio – 2nd Nominee Agimat Partylist, Coun. Alde Pagulayan, at dating Kapitan Udoy Brillantes.
Ang AKAP Program ay isang patunay ng dedikasyon ni Cong. Lani Mercado Revilla at ng City Government of Bacoor sa pagtulong sa mga mamamayang BacooreƱo. “Ang programang ito ay para sa lahat ng mga nangangailangan,” sabi ni Cong. Lani Mercado Revilla. “Layunin natin na maibsan ang mga hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.”
Ang pamamahagi ng tulong ay isang patunay ng pangako ng Team Revilla at ng City Government of Bacoor na maglingkod at tumulong sa mga mamamayan ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.