Bacoor City, Agosto 1, 2025 — Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 1,050 na mga Bacooreño na humingi ng tulong pinansyal. Ang programa ay inorganisa ng City Social Welfare and Development (CSWD) na pinamumunuan ni Mrs. Emiliana Ugalde, at dinaluhan din nina Board Member Alde Pagulayan at Councilor Karen Sarino Evaristo.
Ang AICS ay isang pangunahing programa ng City Government of Bacoor na nagbibigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga emergency na sitwasyon tulad ng pagkakasakit. Malaking tulong ito sa mga residente, partikular sa mga nangangailangan ng medikal na tulong tulad ng maintenance na gamot, pati na rin sa iba pang pangangailangang pinansyal.
Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga Bacooreño sa pamamagitan ng mga programang tulad ng AICS, na katuwang ang Sangguniang Panlungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Layunin nitong matugunan ang mga medikal, burial, at iba pang pinansyal na pangangailangan ng mga mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.