Bacoor City, July 4, 2025 – Bilang bahagi ng programa nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ipinamahagi ang financial assistance sa tinatayang 950 Bacoorenos na nasa crisis situation. Ang aktibidad ay isinagawa sa Strike Gymnasium sa tulong ng Office of Social Welfare and Development (CSWD) na pinamumunuan ni Mrs. Emiliana Ugalde.
Personal ding dumalo sa programa sina Councilor Mike Bautista, LnB Vice President Randy Francisco, at mga staff ng CSWD. Layunin ng programang ito na makatulong sa mga benepisyaryo sa kanilang financial, medical, at iba pang pangangailangan.
Ang pondo para sa AICS ay mula sa City Government of Bacoor bilang bahagi ng kanilang patuloy na commitment na suportahan ang mga residente, lalo na sa panahon ng pagsubok, upang mapanatili ang kapakanan at kaligtasan ng mga Bacooreño.