Punong-puno ng kulay at saya ang ginanap na 8th Mandaragat Olympics kaninang umaga sa Barangay Sineguelasan, kung saan samu’t-saring mga palaro ang isinagawa tampok ang mga rehistradong mangingisda sa Lungsod ng Bacoor. Ang nasabing paligsahan na may temang “Modernisasyon sa Karagatan, Masaganang Pangisdaan Maasahan”, ay pinangunahan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni OIC Allan G. Chua.
Ilan sa mga palarong ito ang Triathlon (Running, Swimming, at Non-motorized Boat Racing), Bangkang Desagwan Tug of War, Tahong Cook-off, Bangkarera, at ang pinaka-inaabangang Boat Decoration Contest.
Bukod sa mga papremyong tropeyo at medalya na handog ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at Congresswoman Lani Mercado Revilla, nakatanggap din ang mga nagwagi ng mga cash prizes mula sa Maynilad Water Services Inc., at pa-raffle na isang Motorized Unit ng Bangka at mga bigas.
Ang lahat ng ito ay naging matagumpay sa tulong at kooperasyon ng mga sumusunod:
City Agriculture Office
Strike sa Serbisyo
Agimat Partylist
Maynilad Water Services Inc.,
Frabelle Food
Mamamayan Para sa Lambat at Dagat Multi-purpose Cooperative
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.