Humigit-kumulang 860 housing units na permanenteng Relocation at Resettlement na matatagpuan sa Barangay Santiago, General Trias, Cavite ang binisita ni Mayor Strike B. Revilla upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa bagong tirahan ng mga Bacooreño.
Katuwang ang Bacoor Housing Urban Development and Resettlement Department (HUDRD) ang pabahay na ito ay mayroon na ring pangunahing pasilidad kagaya ng mga sumusunod:
• Covered Basketball Court
• Two-Storey Multi-Purpose Hall
• Park and Playground
• Four Classroom Two-Storey School Building
• Water Utilities and Electrification
Ang kanilang dating tirahan ay magsisilbing istruktura para sa extension ng LRT sa Lungsod ng Bacoor.
Gayunpaman, sinisiguro ni Mayor Strike na sila ay nasa maayos na kalagayan dahil nais nito na mapadama na Dito sa Bacoor, At Home Sila Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.