Inumpisahan na ang 5-Day Training sa Computer Literacy na handog ni Mayor Strike B. Revilla sa mga Bacooreñong nais matuto at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya na ngayon ay kailangang matutunan nating mga Pilipino. Katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang Department of Information and Communication Technology (DICT) Region IV-A na silang magbibigay ng magandang serbisyo sa ilalim ng programang Tech4Ed. Libreng makakapag-aaral ang labing siyam (19) na Bacooreno na nag register sa programa ng Tech4Ed sa Bacoor Computer Center (BCC) na nasa pangangasiwa ng City E-Governance Office ng Bacoor.
Sasailalim ang mga trainees sa Office Productive Software ( Microsoft Wolrd, Excel, PowerPoint at Canva ) na kanilang pag-aaralan na magiging susi para sa makabagong komunikasyon at maari ring magamit sa kanilang trabaho.
Hangad ni Mayor Strike B. Revilla kaisa ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola na mabigyan ng kaalam ang mga Bacooreñong nais matuto ng makabagong teknolohiya dahil sa panahon ngayon na ang karamihan sa kagamitan ay computerized na.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.