Ang City Social Welfare Development Office ay nagsagawa ng Sustainable Livelihood Program o SLP Orientation, Social Preparation and Means Yeast Assessment. Ito ay sa pangunguna ni Ms. Lilianne Ugalde at ng mga Staff ng CSWD na ginanap sa Talaba IV Covered Court.
Ang Department of Social Welfare and Development Office Region IV-A ay nag bigay ng huling batch ng 300 Target Beneficiaries ng SLP Special Referral Fund.
Isa sa kanilang target beneficiaries ay ang mga Released Person Deprived from Liberty (PDL), ang mga nakapagtapos ng Community Based Drug Rehabilitation of Bacoor (CBDRB) at iilang special cases ng Strike Action Centers (SSAC).
Layunin nito ay mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga Qualified Beneficiaries.
As We Strike, As One!
Dito sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.