Sa pangunguna ng Human Resources Development and Management Department (HRDMD) ng City Government ng Bacoor, matagumpay na isinagawa ang isang seminar ukol sa Strategic Performance Management System (SPMS) at Individual Performance Commitment and Review (IPCR).
Ang tatlong araw na seminar ay ginanap mula Hunyo 4 hanggang 6, 2024, sa Hotel Casiana, Tagaytay City. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga Department Head, Unit Head, at Department Representatives.
Sa ikalawang araw ng seminar, tinalakay ang Presentation of PMT Matrix at IPCR Updating. Sa huling araw naman, ipinakita ang mga updated na IPCR at naging pagkakataon ito upang makapagbigay ng feedback at suhestiyon para sa patuloy na pag-unlad ng performance management system ng lungsod. Ang ikatlong araw ng seminar ay dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama sina City Councilor Karen Sarino Evaristo at ang ISO Representative.
Ang matagumpay na seminar na ito ay patunay ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan ng Bacoor na patuloy na pagbutihin ang kanilang serbisyo para sa kanilang mga mamamayan.