Noong September 12, 2023, ginanap ang 2nd Mayor Strike B. Revilla Chess Cup na nilahukan ng iba’t ibang manlalaro mula sa CALABARZON, NCR, Norte, at Mindanao. Umabot sa tatlong daang manlalaro ng chess ang sumali na hinati sa tatlong dibisyon, ang Kiddies, Adult at Person with Disability (PWD). Ang Non-Master Chess Tournament ay inorganisa ng City Sports Office sa pangunguna ni Sir Sidney Solis katuwang ang Bacoor Chess Club Association sa pangunguna ni Melo G. Guevarra.
Ang first Chess Tournament ay nagsimula noong unang termino ni Mayor Strike B. Revilla ng unang umupo ito bilang alkalde ng Lungsod ng Bacoor. Nais ni Mayor Strike na mapakita ang galing ng mga Bacooreño hindi lang sa paglalaro ng Basketball maging sa paglalaro rin ng Chess. Suportado rin ni Mayor Strike ang mga manlalarong Bacooreño na dinadala ang pangalan ng Lungsod.
Dinaluhan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang 2nd Chess Tournament at nagbigay ng mensahe sa lahat ng mga manlalaro bilang pasasalamat sa kanilang pagsali at pakikiisa sa tournament. Isa rin si Councilor Kap. Monching Bautista na dumalo at kumamay sa mga manlalaro bilang pagpupugay sa galing ng bawat isa.
Sa huli tinanghal na kampeon si John Curt Valencia ng Dasmariñas, Cavite, 2nd Marlon Balbacoco ng Parañaque, 3rd Mary Bacojo ng Imus City, 4th Evan Meneses ng Imus City, 5th Jewelle Iris Anacio ng Bacoor, 6th Marco Polo Sanido ng Manila, 7th Christia Tolosa ng Imus City, 8th Aron Dhale Panganiban ng Indang Cavite, 9th Charly Jhon Yamson ng General Trias, 10th Don Lester Abundo ng Santa Rosa, Laguna. Sila ang Top 10 sa 12 Years old & Below Non-Master.
Sa huli tinanggap ng mga nanalo ang hinanda ng City Government na papremyo para sa Kampeon, Special Awards, at Top 10 sa Final Raking ng laro.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Bacoor Chess Club Association na naging katuwang ng City Sports Office para maging matagumpay ang paligsahan na ito.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.