Nagbigay ng tulong ang City Government of Bacoor sa pangunguna ng ating Mayor Strike BM Revilla sa mga residenteng nasunugan sa Barangay Habay 2, Niog, at Sinbanali. Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang nasabing event na naglalayong magbigay ng relief goods at financial assistance sa mga biktima ng sunog.
Kasama sa mga dumalo sa event ang ating mahal na Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, BM LNB President Rafael Paterno III, LNB Vice President Coun. Randy Francisco, Kapitana Alma Camarce ng Barangay Niog, at Kapitana Miles Bautista-Querijero.
Ang mga benepisyaryo ng tulong ay ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Habay 2 (10 pamilya), Sinbanali (7 pamilya), at Niog (90 pamilya).
Ito po ay ginanap sa BGC Lobby ngayong ika-28 ng Pebrero, 2024. Personal na ipinaabot ng ating Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola ang mga relief goods at financial assistance sa mga biktima ng sunog.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na ipinapakita ng City Government of Bacoor ang kanilang malasakit at pag-alala sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.