Bacoor City, Hunyo 20, 2025 – Isang mass Baptism ang ginanap ngayong araw sa St. Martin De Porres Parish Church, na pinangunahan ni Mayor Strike Revilla para mabigyan ng libreng binyag ang 198 na mga bata. Ito ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamamagitan ng City Civil Registry (CCR) sa pangunguna ni Ms. Ma. Theresa Cameros. Ang mga bata, kasama ang kanilang mga magulang at pamilya, ay nakilahok sa seremonya.
Dumalo rin sina Congressman Bryan Revilla (Aginat Partylist), BM Alde Pagulayan, Konsehala Karen Sarino Evaristo, Konsehal Noly Galvez, Bise Presidente ng Liga ng mga Barangay (LnB) na si Konsehal Randy Francisco, Pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) na si Palm Angel Buncio, at ang mga pari na sina Reverend Fr. Teodoro Santiago at Reverend Fr. Percy Singco. Malaki rin ang naging papel ng mga kawani ng LCR sa pag-oorganisa ng matagumpay na pangyayari. Ipinapakita ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng lungsod sa pagsuporta sa mga pamilya at pagbibigay ng access sa mahahalagang serbisyong pangrelihiyon.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.