Kanilang pinag-usapan ang pagpapatayo ng bagong CvSU branch sa mas strategic na lokasyon upang mas maging accessible sa mas maraming Kabataang Bacooreño. Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Campus Administrator Menvy Macalalad kasama sina Professor Ronan M. Cajigal at Professor Zannie I. Gamuyao.