ng pamahalaang lungsod sa flag raising ceremony kanina. Nakapaglaan na ang pamahalaang lungsod ng P50 to P100 million para sa vaccination program, at masusing pinag-aaralan ng mga opisyales ang iba’t ibang vaccines na available at kung paano ipapasatupad ang programa para sa pagbabakuna.Nakaantabay din tayo sa abiso ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.
Layon ng pamahalaang lungsod na mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon. Bibigyang prayoridad ang ating frontline health care workers, uniformed personnel, social workers, senior citizens, PWDs, PDLs, frontline government workers, teachers, students, at ang ating indigent population. Inaasahang masisimulan ang vaccination program sa Marso o Abril 2021.