Sa pamamagitan ni Senator Bong Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla, nakapaglaan ang Department of Labor and Employment ng pondo para sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) na sinimulan nang ipamahagi sa Kabataang Bacooreño ngayong araw. Makakatulong ito para makasimulang maghanap ng trabaho o maka-ambag sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya ang Kabataang Bacooreño. Kasama sa pamamahagi si Mayor Lani Mercado Revilla, katuwang ang kanyang panganay na si Bryan Revilla na laging handang tumulong sa ngalan ng Bacooreño.