Isinagawa ang masiglang pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa Plaza de Padre Mariano Gomes, Barangay Poblacion, Bacoor, Cavite, Hunyo 12, 2025. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Department of Tourism & Cultural Affairs na pinamumunuan ni G. Edwin Guinto.
Dumalo sa okasyon sina Kongresista Lani Mercado Revilla, Kongresista Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Konsehal Alde Pagulayan, Konsehal Mike Solis, at Konsehal Udoy Brillantes. Nagbigay ng kulay sa pagdiriwang ang Banda El Gobernador, Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Liga ng Barangay, ABAKA, SK Federation, mga empleyado ng lungsod, at iba pang panauhin.
Layunin ng pagdiriwang na ito ang ipakita ang pakikiisa ng Lungsod ng Bacoor sa paggunita ng ating kalayaan. Isang mahalagang bahagi ng programa ang pagkilala sa Banda El Gobernador, na hindi lamang nagbigay ng magandang pagtatanghal sa okasyon, kundi nagpakita rin ng husay sa pagtugtog sa New York City, USA. Ipinamalas nito ang husay ng mga musikero ng Bacoor at pinatunayan ang titulo nito bilang Marching Band Capital ng Pilipinas. Ang kanilang pagganap ay nagdulot ng inspirasyon at pagmamalaki sa mga BacooreƱo.
Mabuhay ang Kalayaan ng Bansang Pilipinas!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.