Ang nasabing freezer ay may kapasidad na maglaman ng approximately 13,500 to 27,000 vials. Para sa 5 doses per vial, maaaring umabot sa may 67,900 to 135,800 doses, depende na lamang sa kung ano ang packaging ng makukuhang bakuna.
Ang Lokal na Pamahalaan ay naghanda ng mga AHT freezers para sa iba’t ibang brands ng bakuna na maaaring dumating mula sa National Government gayundin ang paghahanda para sa mga bakuna na bibilhin ng Pamahalaang Lungsod.