Ang Tanggapan ng Office of Veterinary Services, sa tulong ng donasyon mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), ay magkakaroon ng libreng 5-in-1 na bakuna para sa mga aso sa darating na April 25, 2025.
LIMITED TO 80 SLOTS ONLY!
WALK-INS ONLY! NO RESERVATIONS!
MAXIMUM OF 2 DOGS PER OWNER — upang mabigyan ng pagkakataon ang iba.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa kalusugan ng inyong mga alagang aso!
Ano ang 5-in-1 vaccine para sa mga aso?
Ito’y nagbibigay-proteksyon laban sa limang malulubhang sakit:
Distemper, Hepatitis, Leptospirosis, Parvovirus, at Parainfluenza.
Applicable for FIRST DOSES ONLY
PUPPIES: 2 months old to 6 months old
ADULTS: with no history of 5-in-1 vaccination
Mga Kailangan:
1. Ang mga alagang aso ay dapat napurga na (dewormed).
2. Siguraduhing malinis o napaliguan ang inyong alaga bago pabakunahan.
3. Dapat ay healthy ang inyong aso — hindi sumusuka, walang LBM, walang sipon o muta, atbp.
4. Kung meron, dalhin ang vaccination card ng alaga.
Para sa Pet Owner:
Ang may-ari ng alaga ay dapat residente o naninirahan sa Bacoor.
Dalhin ang valid ID na may address bilang patunay.
MAYROON DIN PO TAYONG LIBRENG RABIES VACCINATION PARA SA MGA ASO AT PUSA!
Until supplies last!

Animal Shelter/Pound, Bacoor City Veterinary Services Office, Brgy. Salinas 1, Bacoor, Cavite
(In front of Curve Pool Resort)


Maraming Salamat!
Let’s STRIKE AS ONE sa pagpapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop!