Naghahanap ng Abot-kayang Pabahay?
Sa pamamagitan ng 4PH Program ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), hatid ng Pamahalaan ng Lungsod ng Bacoor, katuwang ang DHSUD at mga key shelter agencies nito, mas pinadali at abot-kaya na ang pabahay para sa mga Bacooreñong miyembro ng Pag-IBIG. Sama-sama nating isinusulong ang pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan!”
Ano ang mga Benepisyo?
Abot-kayang buwanang hulog
Madaling proseso ng aplikasyon
Ligtas at dekalidad na mga pabahay
Programang pangmatagalan para sa lahat ng Pilipino
Paano Mag-apply?
1. Pumunta sa aming tanggapan para sa application forms.
2. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
– Valid ID
• e-Card / UMID
• Voter’s ID / voter’s certificate
• National ID
• Solo Parent ID
• Driver’s License (BACOOR ADDRESS)
3. Sumailalim sa proseso ng evaluation at qualification.
PAALALA:
• Hanggan 50 yrs old below lang po ang pwedeng mag-apply ng pabahay
• Siguraduhin na ang id ay may address ng Bacoor.
• Hindi benefiaciary ng kahit na anong pabahay/housing loan/relocation
• Dapat ay miyembro ng Pag-IBIG
Saan Ka Mag-aapply?
Tanggapan ng Housing Urban Development and Resettlement Department, 2f Bacoor City Hall
Oras ng Serbisyo: Lunes – Biyernes, 8:00 AM – 3:00 PM
Para sa Karagdagang Impormasyon:
Tumawag sa: (046) 481-4100 or 0997-583-2090
Email: bacoor.hudrd@gmail.com
Bisitahin ang aming fb page: https://www.facebook.com/hudrdbacoor
Huwag palampasin ang pagkakataon na makamtan ang pangarap na sariling tahanan!
Tara na at mag-apply! Dahil sa Bacoor, at Home Ka Dito!