PAALALA MULA SA PHILIPPINE INFORMATION AGENCY
Nanawagan ang Department of Agriculture sa mga nag aalaga ng baboy na ipagbigay alam ang mga kaso ng may sakit o namatay sa beterinaryo ng kanilang lokal na pamahalaan na siya namang makikipag ugnayan sa Bureau of Animal Industry upang matukoy ang sanhi ng pagkakasakit o pagkamatay ng baboy.
Ang iresponsableng pagtatapon ng patay na baboy ay nagdudulot ng takot sa publiko at ito ay hindi pinapayagan sa ilalim ng batas.
Ito ay maliwanag na paglabag sa RA 9003 o Solid Waste Management Act, na may kaparusahang pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi hihigit sa dalawang taon o multang hindi bababa sa P1,000 at hindi hihigit sa P5,000.