Narito ang mga panuntunan ukol sa social distancing ayon sa EO 10 ni Mayor Lani Mercado Revilla.
Ipinagbabawal ang mga mass gatherings at ang pagkakaroon ng crowded events sa kalawakan ng lungsod hanggang Abril 12, 2020, at hanggang mayroong public health emergency.
Lahat ng mga kaganapang may kasangkot ng maraming tao ay suspendido hanggang Abril 12, 2020; kabilang dito ang graduation rites at moving up ceremonies ng lahat ng mga paaralan. Lahat ng mga kaganapang naka-schedule sa mga facilities na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod para sa large gatherings tulad ng gymnasiums, covered courts, parks, at open spaces, ay suspendido habang may public health emergency.
Ang Philippine National Police (PNP) ay naglabas na ng memorandum ukol sa suspensyon ng sabong sa buong bansa sa loob ng isang buwan. Datapwa’t lahat ng permits na ibinigay ng pamahalaang lungsod ay suspendido hanggang Abril 12, 2020.
Lahat ng mass entertainment activities tulad ng concerts, sporting events, movie screening, at community assemblies ay suspendido rin.
Ang mga essential work-related meetings at religious activities ay maaaring ipagpatuloy basta’t susundin ang social distancing measure na may one to two meter distance para sa mga participants.
#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani