patuloy na nalalampasan ito ng Bacooreño dahilan sa ating pagsama-sama at pagtulong-tulong, sabi ni Mayor Lani Mercado Revilla kaninang umaga sa flag raising ceremony. Sa harap ng magkakasunod na bagyo, patuloy ang serbisyo ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Agad na nailikas ang mga pamilyang nakatira sa coastal areas ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office. Ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog ay patuloy na pinadadalhan ng pagkain ng City Social Welfare and Development Office sa evacuation centers habang ang City Health Office ay patuloy ang aggressive community testing katuwang ang Philippine National Police at City Inspection and Compliance Unit. Nagrasyon ng tubig ang Bureau of Fire Protection sa mga komunidad na nawalan ng tubig habang nagsagawa ng feeding program ang Philippine Army at Navy sa ating mga evacuation centers. Tunay na kapag tayo ay sama-sama at tulong-tulong, malalampasan natin lahat ng pagsubok.
#LoveMyBacoor