Mga Bacooreño, magpapatuloy po ang LIBRENG TULI na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang City Health Office.
Limitado lamang ang mga slot para sa nasabing programa, kaya’t kinakailangang kumuha ng stub mula sa inyong mga barangay.
Mahigpit din na ipinapaalala na “NO STUB, NO ENTRY” ito upang masiguro ang maayos na daloy ng serbisyong medikal.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa inyong barangay at huwag palampasin ang pagkakataong ito na magbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat po.