Para sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa kalusugan at kapakanan ng mga Bacooreño, magkakaroon muli ng Libreng Progestin Implant para sa mga kababaihan sa darating na June 26, 2024, mula 8:00 AM hanggang 12:00 PM, sa Revilla Hall.
Ang programa na ito na isinulong ng Office of the Population Development (OPD), sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Emilie D. De Castro, ay may layuning mabigyan ng libreng serbisyo ang mga kababaihan na nais magkaroon ng epektibong paraan ng family planning.
50 SLOTS lamang po ang available at ito ay FIRST-COME, FIRST-SERVED basis kaya naman para sa mga interesado, mangyari lamang pong makipag-ugnayan sa numerong 0991-4050-164, at ibigay ang iyong pangalan, barangay, at kaarawan, katulad ng sumusunod:
Pangalan: Juana B. Dela Cruz
Kaarawan: 03/24/1988
Barangay: Niog
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
SHARE
Previous articleBacoor 12th Cityhood Anniversary