Patuloy ang pag taas ng kaso ng Dengue sa Lungsod ng Bacoor, Ayon sa datos ng Office of the City Health Service ng Bacoor, umabot na sa 968 ang may dengue na kung titingnan ay nasa 139.60% ang itinaas nito kumpare sa taong 2023 na may 404 na kaso.
Sa ngayon patuloy na pinaaalalahanan ang lahat ng Bacooreño na mag ingat at linisin ang inyong kapaligiran lalo na ang mga posibleng pinamamahayan ng mga lamok. Ang sakit na ito ay walang pinipili matanda man o bata.
Kaya naman naglabas ng anunsyo o paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, kung ano ang SINTOMAS ng DENGUE at kung paano ito MAIIWASAN.
Hangad ng TEAM REVILLA na maging ligtas ang lahat ng mga Bacooreño, kaya naman patuloy na sumunod sa ating mga ipinapatupad at paalala.
MAG-INGAT SA DENGUE!
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.