Sampung Senior High Students mula sa AMA Education System – Bacoor ang nakatapos ng kanilang 80-oras na Work Immersion Program dito sa Bacoor Computer Center.
Kabilang sa kanilang mga gawain ang pananaliksik sa mga programang Lego Spike Coding, paggawa ng mga video na nagpapakita ng step-by-step na paggamit ng VR, pagtulong sa Office Productivity Software training, at pagtulong sa mga office works.
Alinsunod sa kampanya ni Mayor Strike B. Revilla na palaguin at suportahan ang edukasyon ng mga Kabataang Bacooreño, tinatanggap ng Bacoor Computer Center ang mga work immersion students upang mapag-unlad ang kanilang kasanayan sa mga kursong may kinalaman sa digital technology.