Isang Luksang Parangal para kay Konsehal Boy De Leon Nagkaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagbibigay-pugay sa isa sa mga haligi ng lokal na pamahalaan, si Councilor Boy De Leon, na pumanaw kamakailan.
Si Konsi Boy ay nagsilbi bilang Barangay Captain ng Molino 2 sa loob ng 11 taon, at bilang Konsehal ng Lungsod ng Bacoor sa loob ng 9 taon din. Sa kabuuang 20 taon ng tapat na paglilingkod, naging sandigan siya ng kanyang komunidad—isang lider na may malasakit, puso, at dedikasyong tunay na para sa bayan.
Hindi matatawaran ang kanyang naiambag sa paghubog ng mas maayos at mas maunlad na Bacoor. Sa kanyang katahimikan, mananatili ang ingay ng kanyang legasiya sa puso ng bawat Bacooreño.
Maraming salamat, Konsi Boy, sa iyong walang kapantay na serbisyo. Ang iyong pamana ng malasakit at katapatan ay patuloy naming dadalhin.
Sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Konsi Boy, tanggapin po ninyo ang aming taos-pusong pakikiramay. 
