Sa nakaraang pagdaan ng malalakas na habagat at bagyo, lubhang naapektuhan din ng matinding ulan at pagbaha ang mga maliliit na negosyo sa ating lungsod. Mula sa mga binaha na establisyimento, mga nasirang produkto at nakanselang orders, apektado rin ang hanapbuhay ng karamihan.
Kaya naman sa ngalan ng ating mga kapwa Bacooreño, ihinahatid ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla kasama ang LEDIPO-Bacoor, ang isang mini-bazaar for a cause, ang Making Sustainable Business Reachable: For Bacooreños Bayanihan: MSMEs Strike As One Mini Bazaar. Ito ay magaganap sa August 04-07, 2025 (one batch per two days), Monday-Thursday, sa Main Lobby ng Bacoor City Hall.
Ito ay FREE REGISTRATION para sa mga MSMEs na gustong sumali. Paalala lamang po na ito ay FIRST COME, FIRST SERVED BASIS at mayroon lamang po tayong LIMITED SLOTS. Maaari ninyo po kaming padalhan ng private message sa official LEDIPO Facebook page kasama ang mga sumusunod:
• Name of Business
• A scanned copy of valid business permit/DTI Certificate
• E-mail Address
• Contact Number
Patuloy ang ating bayanihan, pagmamalasakit at pagtutulungan as we #StrikeAsOne… dahil #SaBacoorAtHomeKaDito .