Isang kwento ng pagbangon. Sa Girls Home sa Progressive Village III, Bayanan, Lungsod ng Bacoor, Cavite, makikilala mo ang mga kabataang babae na, sa kabila ng dinanas na pag-abuso at pag-abandona, ay patuloy na lumalaban at muling bumubuo ng kanilang kinabukasan. Hindi lamang ito silungan, ito ay isang tunay na tahanan kung saan sila nakakaramdam ng pagmamahal, seguridad, at pag-aaruga. Layunin nitong muling magbigay ng pag-asa sa kanilang mga puso at patunay na may magandang bukas na naghihintay sa kanila. Sa kanyang pagbisita, naghatid ng pag-asa si Mayor Strike Revilla sa mga bata, at nagsilbing paalala na hindi sila nag-iisa, may isang taong handang makinig, umalalay, at manatiling kasama nila sa bawat hamon at hakbang ng kanilang paglalakbay tungo sa bagong bukas.