Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla, Ang Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office – Emergency Operations Center ay patuloy na nakaalerto at masusing nagbabantay sa lagay ng panahon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Crising sa ating lungsod.
Bilang bahagi ng kahandaan, Ang Operation Responders ay inihahanda na rin ang mga gamit sa pag-rescue sa baha gaya ng bangka, life vests, ropes, at iba pang kagamitan upang masigurong mabilis ang pagresponde sa oras ng pangangailangan.
Tuloy-tuloy din ang pagbibigay namin ng mga napapanahong update sa pamamagitan ng aming opisyal na social media accounts upang agad na maiparating sa bawat Bacooreño ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa panahon at kaligtasan.
