Bacoor City, Hulyo 8, 2025 — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster and Resilience Month ngayong Hulyo, pinangunahan ng City Government of Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) na pinamumunuan ni Mr. Richard Quion, ang isang Simultaneous CPR Challenge.
Ang mga Bacooreños na mula sa apat na participating malls sa lungsod — Walter Mart, Nomo, SM Bacoor, at SM Molino — ang mga kalahok sa hamon na ito. Ang programa ay apat na araw magaganap mula Hulyo 7 hanggang 10, 2025.
Ang mga mananalo sa CPR Challenge ay gagawaran ng First Aid Kits na handog ng Bacoor LGU sa pamamagitan ng BDRRMO. Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kahandaan ng mga mamamayan sa pagtugon sa mga kagipitan at mapalaganap ang kahalagahan ng tamang CPR.