Good news, Bacoorenos! Pwede na kayong bumili ng Bente pesos na Bigas sa Zapote Public Market tuwing Biyernes, 8:00AM hanggang 11:00AM, sa halagang P20 per kilo.
Sa ngayon, para ito sa mga PWD, Senior Citizens, Solo Parents, at 4Ps beneficiaries. Huwag kalimutang magdala ng valid ID bilang patunay na qualified kayo. Limitado ang bigas na pwedeng bilhin sa 10 kilo kada ID holder.
Para makatulong sa kalikasan, hinihikayat ang lahat na magdala ng sariling eco bag. Ang Benteng Bigas ay isang programa ng Office of the President, Department of Agriculture, at ng City Government of Bacoor na naglalayong matulungan ang mga Pilipino.
SHARE
Previous articleRegular Flag Raising Ceremony