HIsinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor programa na pinangungunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at Kongresista Lani Mercado Revilla ang pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela at bag sa mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1 nitong Hulyo 1, 2025.
Nilahukan ito ng mga konsehal ng Distrito 1, LnB Vice President Randy Francisco, mga guro, at mga estudyanteng benepisyaryo mula sa pitong paaralang elementarya sa lungsod: Aniban Elementary School, Ligas 1 Elementary School, Ligas 2 Elementary School, Sineguelasan Elementary School, Bacoor Elementary School, Mabolo Elementary School, at Digman Elementary School.
Layunin ng programa na matulungan ang mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang gamit pang-eskwela, isang tulong mula sa Pamahalaang Panglungsod ng Bacoor sa pamamagitan ng Team Revilla. Inaasahang makatutulong ito upang masiguro ang kanilang paghahanda ngayong pasukan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.