Lungsod ng Bacoor, Hunyo 27, 2025 – Mahigit walong daang (800) residente ng Bacoor ang nakinabang sa programang “Assistance in Individuals in Crisis Situations (AICS)” na ipinamahagi ngayong araw sa Strike Gymnasium. Ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD).
Personal na dumalo si Mayor Strike sa pamamahagi ng tulong pinansiyal na inilaan para sa mga Bacooreño na nangangailangan ng agarang tulong pinansyal, medikal, pang-libing at iba pa. Layunin ng programa ng DSWD na mabigyan ng agarang suporta ang mga residente na nangangailangan ng pinansyal na tulong.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.