Lungsod ng Bacoor, Hunyo 25, 2025 – Isang daan at limangpung (150) magkasintahan ang nagpalitan ng pangako sa isang malawakang kasalang sibil sa Strike Gymnasium. Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang seremonya, bahagi ng “Libreng Kasal” programang inorganisa ng City Government of Bacoor, sa pangunguna ng City Civil Registry (CCR) at ni Ms. Ma. Theresa Cameros. Dumalo rin sina Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ilang konsehal, kasama si SK President Palm Angel Buncio.
Masayang sinaksihan ng mga pamilya at kaanak ang pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan, kasama ang mga kawani ng CCR. Para kay Mayor Strike, patunay ito ng pangako ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan, na naglalayong tulungan ang mga mag-asawa sa pagpaparehistro ng kanilang pagsasama para sa legal na proteksyon.
Ang “Libreng Kasal” ay isa sa mga programang nagpapakita ng dedikasyon ni Mayor Strike at ng lokal na pamahalaan sa pag-aalaga sa mga pamilyang Bacooreño. Isang malaking tagumpay ang mass civil wedding, na nagpapatunay sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.