July 01, 2025 | 9:00 AM – 2:00 PM
📍Barangay Molino 7: SPV Heights, Phase 2
July 02, 2025 | 9:00 AM – 12:00 NN
📍Barangay Zapote 1: Barangay Hall, Zone 2
July 03, 2025 | 9:00 AM – 2:00 PM
📍Barangay P.F. Espiritu 6: Kamuning Covered Court
July 04, 2025 | 9:00 AM – 12:00 NN
📍Barangay P.F. Espiritu 6: Perpetual Village 4
MGA KINAKAILANGAN:
1. Siguraduhin na ang inyong mga alagang aso at pusa ay malusog—walang pagsusuka, LBM, muta, sipon, o anumang sakit.
2. Ang aso at/o pusa ay dapat may edad na tatlong (3) buwan pataas.
3. Kung mayroon, dalhin ang Vaccination Card ng inyong aso o pusa.
4. Ang mga alagang hayop ay dapat nakatali o nasa carrier para sa kanilang kaligtasan.
5. Siguraduhing malinis o napaliguan ang inyong aso at/o pusa bago dalhin sa pagbabakuna.
6. Ang may-ari ng alagang hayop ay dapat residente ng Bacoor. Magdala ng Valid ID na may address bilang patunay.
7. Mangyaring magdala ng plastic para sa maayos na pagtatapon ng dumi ng inyong alagang aso at/o pusa.
Para sa iba pang katanungan, maaring tumawag sa aming tanggapan, Office of Veterinary Services sa (0966) 827 0252.
Subaybayan ang aming Facebook page para sa mga iskedyul, petsa, at lokasyon ng bakuna sa inyong barangay upang masigurong protektado laban sa rabies ang inyong mga alagang hayop!
Let’s all STRIKE AS ONE and keep our community safe!