Bilang suporta sa layunin ng pamahalaan na itaguyod ang karapatang pangkalusugan ng bawat Pilipino—kabilang ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), sa pangunguna ni JSUPT CHRISTOPHER R PENILLA, City Jail warden, isinagawa ng Bacoor City Jail Male Dormitory ang PhilHealth registration at updating process para sa mga PDL noong July 17, 2025.
Ang hakbang na ito ay patunay na sa kabila ng rehas, hindi dapat mapagkaitan ng karapatang mabigyan ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang sinuman.
Sa bawat pangalan na nairehistro, may panibagong pintuan ng pagkalinga ang nabubuksan. Sa bawat PDL na nabigyan ng PhilHealth, may pagkakataon silang mas mapangalagaan ang kanilang sarili habang nagsusumikap sa pagbabago.
BJMP Regional Office Calabarzon
City Government of Bacoor
PA Office Cavite Province