Matagumpay na sinimulan ng DepEd Bacoor City ang Brigada Eskwela ’25 na may temang “Sama-sama para sa Bayang Bumabasa”, ngayong araw ika-9 ng Hunyo sa Salinas Elementary School.
Ito ay pinangunahan nina Dr. Lualhati O. Cadavedo, Assistant Schools Division Superintendent, Dr. Cesar M. Mojica, Chief Education Supervisor of Schools Governance and Operations Division (SGOD) at Dr. Alexander M. Morron Jr., Chief Education Supervisor of Curriculum Implementation Division (CID), kasama ang mga stakeholders sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) na dinaluhan nina Congresswoman Lani Mercado-Revilla at City Councilor Alde Pagulayan.
Makikita din ang suporta mula sa Bureau of Fire Protection, Federated Parents and Teachers Association (FPTA) at Non-Government Organization (NGOs) kagaya ng SM City Bacoor, Cavitex, McDonalds Imus at City Savings Bank.
Ang Brigada Eskwela ay isang taunang gawain na inilunsad ng Department of Education (DepEd) na kung saan ang komunidad ay hinihikayat na magtulungan sa paghahanda ng bawat paaralan para sa nalalapit na pasukan.