Buong pagmamalaking idinaos ng tanggapan ng Assembly Member Steven Raga sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General sa New York at ng Foundation for Filipino Artists, Inc., ang ikatlong taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa New York State Capitol sa Albany.
Kaisa ang Lungsod ng Bacoor sa pagdiriwang ng Ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa New York State.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbibigay ng mensahe ng pagkakaisa at pagkamakabayan para sa mga kapwa Pilipinong nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang. Kasama niya ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga Department Heads ng Lungsod ng Bacoor na nagsilbing mga espesyal na panauhin sa nasabing pagtitipon.
Nagbigay rin ng taos-pusong mensahe si Assembly Member Steven Raga kasama ang ilang mga kapwa mambabatas mula sa iba’t ibang distrito ng New York. Nagbigay din ng mensahe para sa mga Pilipino si Consul General Senen T. Mangalile.
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag, ginawaran ng Certificate of Citation mula sa New York State Assembly sina Mayor Strike B. Revilla, Banda El Gobernador, at G. Emilio Quines Jr.
Naghatid naman ng masigla at makulay na pagtatanghal ang bandang El Gobernador, kasama ang iba pang mahuhusay na Pilipinong performers na nagpakita ng mayamang sining at kulturang Pilipino sa makasaysayang pagtitipong ito na ginugunita ang 127th Philippine Independence Celebration Assembly.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.