Bacoor City, Mayo 25, 2025 – Isang matagumpay na “Strike Family Day” ang ginanap sa covered court ng Camella East 1 ngayong araw.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang okasyon, kasama sina Konsehal Horacio Brillantes, Pres. Jho Lagrata at ang mga miyembro ng Lupon ng East 1 HOA, Pres. Marivic Garan (Camella South 1), Pres. Tim Ampil (Camella South 2), Pres. Amee Chua (Camella West 3), at Pres. Honesto Rimando (Camella Meadows 2).
Nag-enjoy ang mga residente ng Camella East 1 at karatig na lugar sa mga libreng serbisyo at aktibidad, kabilang ang libreng gupit, masahe, pagkain, photo booth, kantahan at inflatable slide para sa mga bata. Nagbigay din ng impormasyon ang mga kinatawan mula sa Local Civil Registry (LCR), Bureau of Fire Protection (BFP), Revilla Center, at Business Permit and Licensing Department (BPLD) tungkol sa mga serbisyo ng kanilang departamento. Malaking pasasalamat din sa mga boluntaryo mula sa Tau Gamma Phi Triskeleon, FLAG Bacoor at Barangay Tanod, at sa mga tauhan ng LEDIPO.
Ang “Strike Family Day” ay isang proyekto ni Mayor Strike B. Revilla na naglalayong mapalapit sa mga mamamayan at maihatid ang mga serbisyo ng pamahalaan sa komunidad habang nagkakaroon ng kasiyahan ang mga pamilya.
Abangan nyo po ulit ang susunod na schedule ng Barangay na pupuntahan ng STRIKE FAMILY DAY!!!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.