Tuwing sasapit ang Pista ng Bayan dito sa Bacoor, Isa sa mga nakaugalian at inaabangang bahagi nito ay ang Karakol. Ito ay isang makulay at masiglang sayaw prusisyon na nagpapakita ng matibay na pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Bacoor. Sa saliw ng tradisyonal na musika at masiglang pag-indak ng bawat kalahok, sabay-sabay nating ipinahahayag ang ating taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal! 



Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, Nagtalaga ang Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office (BDRRMO) ng mga standby Emergency Medical Services (EMS) sa buong ruta ng karakol at mga pangunahing lugar ng pagdiriwang. Layunin nitong matiyak na ligtas at maayos ang pagdaraos ng lahat ng aktibidad para sa mga manonood at mga kalahok.