Simula bukas 18 March 2025, ang Disaster Preparedness Orientation para sa Mayor’s Permit to Work ay magkakaroon na lamang ng dalawang (2) batches bawat araw, Lunes hanggang Biyernes.
Ito ay upang bigyang-daan ang iba pang community-based DRRM workshops, seminars, at requests alinsunod sa City Ordinance 248-2022.
⚠️ Paalala: Maaaring magbago ang iskedyul depende sa pangangailangan at sitwasyon. Mangyaring antabayanan ang mga opisyal na anunsyo para sa anumang pagbabago.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa ating mga programang pangkahandaan!