Pinangunahan ng ating napaka sipag na Punong Barangay Hon. Jeo Boying Dominguez ang Lupon Monthly Meeting para sa buwan ng Marso taong kasalukuyan.
Itinalakay sa pag pupulong ang ibat-ibang usapin kasama ang mga mahahalagang direktiba ng ating butihing Kapitan tungo sa dekalidad at patas na pagpapatupad ng mga batas at katarungang pambarangay. Hangad ng ating butihing Kapitan ang makapagbigay ng dekalidad at totoong serbisyo publiko para sa lahat ng taga Molino Uno.
Nagbigay ng ulat ang ating mga Lupon Member patungkol sa mga sumbong, patawag at kaso na kanilang pinapamahalaan.