Agad na iprinesenta ng Phil. National Police- Maritime Group Cavite, sa City Government of Bacoor- – ang mga fisherfolks na kanilang nahuli (Feb. 11, 2025) mula sa pinag-igting na seaborne patrol operation kontra Illegal, Unreported and Unregulated Fishing (IUUF)sa Bacoor Bay. Agad na nakipag- ugnayan ang mga kawani ng OAS sa kapulisan upang maasikaso ang penalizations ng mga nahuli ng mga ito. Ipinaliwanag din ng OAS sa mga nahuli ang Fisheries Code na nag-babawal ng pag gamit ng active gears sa mga Municipal Waters(15 kms mula sa coastal area ng isang Coastal LGU) saan man dako ng Pilipinas. Sa mga susunod na araw ay mas paiigtingin pa lalo ang mga operasyon kontra IUU- Fishing kasama ang mga Deputized Fish Warden ng lungsod at mga kapulisan.