Noong Disyembre 11, 2024, tuluyan na ngang nailimbag sa kasaysayan ng Bacoor ang natatanging mga husay sa larangan ng sining sa humigit kumulang 250 na mga mag-aaral kasama ang kanilang mga coaches mula sa halos 40 na paaralan sa lungsod.
Ang Sining Tuklas ay hindi magiging matagumpay kung wala ang gabay at suporta ng ating buthing 24/7 Mayor Strike Revilla at mga kawani ng Bacoor Tourism and Cultural Affairs department sa pangunguna ni Sir Edwin Guinto at ang Founder ng Bacoor Arts Community na si Verlin Santos.
Kasama rito ang suporta na ibinigay ng Department of Trade and Industry na siya rin nangangampanya para sa pagpapaunlad ng sining sa ekonomiya ng bawat lungsod at kung paano pa ito mas mapagtitibay.
Sa pagpapatuloy, ipinamalas ng mga batang Bacooreño ang kanilang husay sa Tanghal-Tula (Spoken Word Poetry) na siyang pumukaw sa damdamin ng mga manonood dahil sa makukulay at malalalim nitong mensahe.
Sa kabilang banda, umarangkada rin at nagbigay tanglaw ang mga obra ng batang Bacooreño na mga kalahok sa Poster Making Contest alinsunod sa kanilang tema na “Bagong Bacoor: Lungsod na Makasaysayan, Tahanan ng Nagkakaisanf Sambayanan”.
Matapos ang dalawang araw ng palihan at patimpalak, itinanghal na rin ang mga nanalong kalahok mula sa dalawang kompetisyon.
Para sa Spoken Word Poetry, sa primaryang kategorya; (Elementary Category) Itinanghal na kampeon si Lhina Jay Sabanal mula sa Longos Elementary School. Sinundan nina Zaine Farrah Mendoza mula sa Herman Harrell Home school para sa ikalawang pwesto at si Dmitri Victoria De La Vega naman para sa ikatlong puwesto mula rin sa Herman Harell Home school.
Itinanghal naman na kampeon sa kategorya na pang-sekondaryang edukasyon si Elizabeth Sierralyn Sayson na nagmula sa Bacoor National High School. Pinarangalan naman si Wayne Xavier Mondeja mula sa Mariano Gomes National High School para sa ikalawang puwesto at Quennie Mae Cuyos naman na mula sa Queen’s Row Integrated Science School sa ikatlong puwesto.
Itinanghal din na kampeon mula naman sa Kolehiyo sa paaralan CVSU Bacoor si Mark Nelson Molera. Nagwagi naman sa ikalawa at ikatlong puwesto ang mga mag-aaral mula sa STI College Bacoor na sina Ricardo Alameda Jr. at Martha Althea Velasco.
Isa rin sa mga naging sentro ng nasabing kaganapan ang Kompetisyon para sa malikhaing pagguhit (Poster-Making Contest) na siyang kinagiliwan at sinuportahan ng ating mga batang Bacooreño.
Itinanghal na kampeon mula sa primaryang kategorya si Judy Francine Marie Himic na nagmula sa Saint Alphonsus Ligouri Integrated School. Nagwagi naman ng ikalawang pwesto si Godelyn Abrajamo na mag-aaral ng Young Shepherd’s School Inc. Para naman sa ikatlong pwesto ay nagwagi rin si Zaniya Yulizh Taller na mula sa San Nicolas Elementary School.
Sa sekondaryang edukasyon naman ay itinanghal na kampeon si Mackaeyla Pantangco na mula rin sa St. Alphonsus Ligouri Integrated School. Mula naman sa Bacoor National High school ang nagkamit ng ikalwang pwesto na si Karla Izabel Genova. Si Erika Zeurie Herrera naman na mula rin sa St. Alphonsus Ligouri Integrated School ang pumangatlo sa nasabing patimpalak.
Matapos ang primarya at sekondarya, itinaghal naman na kampeon si Mark Tuason isang mag-aaral mula sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology. Nagkamit naman ng ikalawang pwesto si Jay-em Dela Cruz mula sa CVSU Bacoor at ikatlong puwesto naman si Gerwin Alcala na mula sa AISAT College Dasmariñas Cavite.
Ang dalawang araw na palihan at pagkatuto ay nagkaroon ng isang matagumpay na pagtatapos. Ang Sining Tuklas ay tunay ngang isang kaabang-abang na kaganapan para sa mga Malikhaing Bacooreño sapagkat ito ang isang bagay na kanilang ipinagpapasalamat dahil sa espasyo at entablado.
Ang sining ay bahagi na ng kultura ng lungsod ng Bacoor kaya naman, tuklasin pa natin ang hiwagang dala nito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.