Bacoor City, December 11, 2024 – Ang City Government of Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ay nagbigay ng tulong pinansyal sa mga senior citizens ng Barangay Habay 1 sa pamamagitan ng kanilang programa ng “Kalinga sa Matanda.” Ang programa, na pinangasiwaan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) at City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Lilian Ugalde, ay ginanap sa Strike Gymnasium.
Dumalo sa okasyon sina Mayor Strike B. Revilla, Konsehal Karen Sarino Evaristo, Konsehal Mike Solis, Pastor Mike Bautista, Kuya Noly Galvez, dating Kapitan Udoy Brillantes, Atty. Venus De Castro (OSCA head), Ms. Amor Navarrete (Senior Citizens President ng Habay 1), at mga opisyal ng barangay.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isang patunay ng dedikasyon ng City Government sa pag-aalaga at pagsuporta sa mga senior citizens ng Bacoor. Ang “Kalinga sa Matanda” ay isang programa na naglalayong makatulong sa mga senior citizens ng pandagdag panggastos.
Ang programa ay pinasigla rin ng suporta ng mga sumusunod: Senator Ramon “BONG” Revilla Jr., Congwoman Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, at ang soon-to-be Cavite Vice Governor, Board Member Ram Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.
c