Isang makabuluhang araw para sa Bacoor! Nanumpa noong Nobyembre 07, 2024 ang dating Punong Barangay ng Habay 2 na si Councilor Ramon ‘Monching’ Bautista bilang kapalit ng yumaong Councilor Victorio Guerrero Jr. Naganap ang oath-taking ni Councilor Monching sa Trece Martires City na pinangunahan ni Gov. Athena Tolentino.
Buong puso tayong sumusuporta sa panibagong yugto ng paglilingkod ni Konsehal Monching para sa kapakanan at kaunlaran ng ating mga kababayan.
Mabuhay ka, Konsehal Monching, at maraming salamat, Gov. Athena, sa inyong suporta!