Para masiguro ang ligtas at payapang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day o UNDAS 2024 noong November 1 at 2, nagtalaga ang Bacoor PNP ng mga pulis sa bawat sementeryo, memorial garden, park, at columbarium sa Lungsod ng Bacoor. Pinangunahan ni PLTCOL JOHN PAOLO V CARRACEDO, Chief of Police ng Bacoor PNP, ang pagtatalaga ng mga kapulisan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), AFP Reservists, mga Non-Governmental Organizations (NGOs), Force Multipliers, at iba pang volunteer organizations na nagbibigay ng seguridad at assistance sa publiko.
Sa unang araw ng UNDAS 2024, dumagsa ang mga tao sa mga sementeryo at memorial sites sa Bacoor. Sa kabila ng dami ng bisita, nanatiling maayos at payapa ang sitwasyon, bunga ng maayos na koordinasyon at sanib-pwersa ng mga ahensyang nagpapatupad ng seguridad. Napanatili rin ang maayos na daloy ng trapiko, na nagbigay ng kaginhawaan sa mga bumisita upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Binigyang-diin ng Bacoor PNP ang pagpapatuloy ng anti-criminality operations at iba pang interbensiyon para mapanatili ang kaligtasan at katahimikan at hinihikayat ang publiko na makiisa sa mga itinakdang panuntunan para sa ligtas na paggunita ng UNDAS 2024.