Dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Kristine, mananatiling suspendido ang pasok sa tanggapan ng pamahalaan at pasok sa lahat ng antas sa buong Cavite bukas, October 25, 2024.
Samantala, mananatili paring bukas ang mga tanggapan ng pamahalaan na tumutugon sa pangunahing pangangailangan, health services at emergency response team.
Pinapayuhan ang lahat na mag-antabay ng mga anunsyo o balita, maging handa at mag-ingat.